Martes, Pebrero 17, 2015


                  MGA KATANGIAN NG PILIPINO


Maraming katangian ang Pilipino na maipagmamalaki at ito'y dapat panatilihin upang maisalin sa ibang generasyon. Ang sumusunod ay nagpapakita ng mga katangian ng pilipino:

1.) Paggalang sa matatanda.



Simula pagkabata ay tinuturuan na tayo ng ating mga magulang na magsalita ng "po" at "opo" kapag tayo ay nakikipagusap sa mga nakakatanda. Ang pagmamano ay dapat ding panatalihin dahil nagpapakita din ito ng respeto at pagpapahalaga sa matatanda. Kailangan din nating gumamit ng mga magagalang na pantawag katulad ng "ate", "kuya", "tito", "tita' iba pa. Kapag dadaan ka sa isang daan na may naguusap ay matutong magsabi ng "makikiraan lang po" at sabay yuko. Matuto ring gumamit ng "paki" at "maki". Sumunod rin tayo sa mga utos ng ating mga magulang at sa iba ring mga nakakatanda. 
                                  "Pagpapahalaga sa nakakatanda"
                                    
                                          Pasasalamat sa Diyos na kayo ay ibinigay,
                                          Pagkat sila ay laging umaagapay,
                                          Pagmamahal sa kanila ay dapat ialay,
                                          Simula pagbata sila na ang umagapay.

                                          Sila ay mahalaga,
                                          Bigyan sila ng importansya,
                                          Sa hirap man o sa ginahawa,
                                          Dapat sila ay kasama.

                                          Sumunod sa kanilang utusin,
                                          Kanilang mga atubilin ay dapat sundin,
                                          Huwag silang suwayin,
                                          Sila'y dapat respetuhin.

                                          Gumamit ng po at opo,
                                          Sa bawat araw na pagtatagpo
                                          Sila ay naghirap,
                                          Ibigay sa kanila ang nararapat. *
                                  

2.) Masayahin




Kahit saang lupalop kapang pumunta ay marami kang makikita na nakatawa at tumatawa. Likas na masayahin ang pilipino dahil kahit na may pagsubok pa na dumating sa atin ay tinatawanan na lang natin na nagpapakita naman ng pagiging positibo at ng pagiging matatag. Kahit ano pa mang bagyo ang dumating, katulad na lang sa ondoy at yolanda ay makikita mo pa ring nakangiti sila. Sa internet din, makikita mo rin yung "hehehehehe" at "hahahahaha". Masarap sa feeling na lagi kang tumatawa, nakakawala ng pagod. Kahit na maraming naiinis sayo o kaya mga panglalait na sinasabi sayo ay nakangiti ka lang.



3.) Pagiging makadiyos

Ang pagiging madasalin ng Pilipino ay nagpapakita ng malakas na pananampalataya sa Diyos. Nagsisimba tayo sa araw ng linggo upang makinig sa mensahe ng Diyos. Nagbabasa rin tayo ng bibliya upang gabay natin sa ating buhay. Nagdadasal rin tayo tuwing umaga gamit ang ating rosaryo. Kapag may problema, sa Diyos tayo lumalapit sa pamamagitan ng matimtim na pagdarasal.

                                "Pagpapahalaga Sa Diyos"

                                Tayo ay magpasalamat sa maykapal
                                Dahil siya ang nagbigay sa atin ng lakas
                                Kaya kailangan nating tulungan ang walang lakas,
                                at tulungan ang mahirap at maykapal.
                                
                                Magdasal ng mabuti upang mabiyayaan,
                                at purihin siya sa bawat oras na lumilipas                                
                                at pakitaan siya ng lakas na loob,
                                tulungan siya sa pagbigay ng mabuting balita.

                                Magsimba parati at magbigay papuri
                                Makinig sa kanyang mensahe lagi lagi
                                tuwing linggo ay makinig sa pari
                                upang ito'y  maitanim sa sarili. *
                                 

4.) Magiliw na tumatanggap ng bisita.


Kilala ang Pilipino sa mabuting pagtanggap sa mga bisita. Tayo ay naghahanda upang masiyahan ang mga bisita. Nagbibigay rin tayo ng regalo lalo na kung kamaganak mo o kaibigan mong matalik yung bumisita sa iyo. Minsan inaalok pa natin yan ng mga tinapay, softdrinks, biscuits at iba pa. Kapag naman alam natin na malayo ang kanilang uwian ay pinapatulog muna natin sila sa ating bahay. Minsan pinapahiram pa sila ng mga ating sariling bagay dahil kailangan nila.



6.) Pagkakabuklod ng pamilya.



Mahalaga na sama sama lagi ang pamilya. Mahalaga din na nagbibigayan ng oras ang bawat miyemro sa bawat isa. Dapat nagtutulungan ang bawat kasapi ng pamilya. Isa sa mga halimbawa nito ay yung sama samang kumain ang bawat miyembro ng pamilya upang magkaroon ng magandang relasyon at usapin. May tinatawag ding "reunion" na kung saan lahat ay nagtatagpo dahil hindi na nila nakikita ang bawat isa, katulad ng may okasyon.


Ito ay ilan sa mga katangian ng Pilipino na dapat nating panatalihin. Dapat nating isaisip at gawin ito lagi. May mga ilan pa na dapat ding alalahanin:


1 komento: